Programang Sertipikasyon ng Pakuluan

Mag-aplay upang sertipikahan ang mga pakuluan, mga tagalikha ng singaw, at mga pampainit ng proseso na tumutugon sa mga iniaatas ng Distrito ng Hangin.

Ang Tuntunin sa mga Nitrogen Oxide at Carbon Monoxide mula sa Pang-industriya, Pang-institusyon, at Pangkomersiyong mga Pakuluan, mga Tagalikha ng Singaw at mga Pampainit ng Proseso (PDF) ay naglilimita ng mga emisyon ng NOx at CO mula sa pang-industriyang kagamitan.

Ang tuntunin ay nag-aatas na ang mga pakuluan, mga tagalikha ng singaw, at mga pampainit ng proseso na may minarkahang input na nasa pagitan ng 2 at 10 milyon na BTU/oras ay dapat sertipikahan ng Distrito ng Hangin. Ang iniaatas na ito ay hindi pinaiiral sa kagamitang pinamamahalaan ng isang Permiso Upang Magpatakbo.

Mag-aplay para sa Sertipikasyon

Upang sertipikahan ang iyong pakuluan, tagalikha ng singaw, o pampainit ng proseso:

  1. I-download at kumpletuhin ang Porma ng Aplikasyon para sa Sertipikasyon ng Pakuluan (PDF).
  2. Isumite ang iyong kinumpletong aplikasyon sa Distrito ng Hangin sa pamamagitan ng koreo (Attn: Boiler Certification) o .

Sertipikadong Kagamitan

Ang Distrito ng Hangin ay hindi nag-eendorso o nagpapahintulot ng anumang ispesipikong produkto o tagamanupaktura. Gayunman, ang isang listahan ng sertipikadong kagamitan (PDF) ay makukuha para sa pagsusuri.

Contact Us


Pangkalahatang Impormasyon Tungkol sa Pagsunod

415 749-4795


Tulong sa Pagsunod

415 749 4999


Pagbuo ng Tuntunin

415 749-4787

Contact Us

Spare the Air Status
Spare the Air Status
  • Monday,
    5/27

    No Spare the Air Alert in Effect

Last Updated: 5/20/2015