Mga Madalas Itanong

Languages:

Makakuha ng mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa programang Clean Cars for All.

Formats the Html codes.FormatFix the Html to be XHtml compliantFix Write Validate that the text is XHtml compliant.Validate Proofing
Para lumahok sa Clean Cars for All, dapat ay mayroon kang modelo ng taong 2005 o mas lumang pampasaherong sasakyan na narehistro o napatakbo sa California sa loob ng mahigit 2 taon, tumira sa isang kwalipikadong zip code (tingnan ang Page sa Pagiging Kwalipikado para sa mga detalye) sa loob ng hurisdiksyon ng Distrito ng Hangin, at may kwalipikadong kita ng sambahayan, na kinakalkula batay sa 400 porsyento ng pederal na antas ng kahirapan. Tingnan kung kwalipikado ka sa pamamagitan ng pag-apply.
  • Sagutan ang isang aplikasyon para i-verify ang iyong pagiging kwalipikado.
  • Dalhin ang iyong sasakyan sa isang awtorisadong dismantler para maberipika kung kwalipikado ang sasakyan mo.
  • Lumagda sa isang kontrata kung saan sumasang-ayon ka sa mga tuntunin at kundisyon ng programa.
  • Makatanggap ng Award Letter mula sa Air District.
  • Mag-loan kung kinakailangan.
  • Bilhin ang iyong pamalit na sasakyan o kumuha ng pre-paid na card sa mga opsyon sa mobility.
  • Dalhin ang iyong lumang sasakyan sa isang awtorisadong dismantler.
Kwalipikado para sa pagbili ang mga bago o used hybrid, plug-in, battery electric, o fuel cell electric na sasakyan gamit ang pondo ng programang Clean Cars for All. Ang mga gamit nang sasakyan ay dapat 8 taon o mas bago. Puwede ring mag-lease ang mga aplikante ng bagong plug-in hybrid, battery electric vehicle, o fuel cell electric na sasakyan. Hindi puwedeng i-lease ang mga hybrid na sasakyan.
Ang mga grant para sa mga hybrid electric na kotse ay mula $5,000-$7,000. Ang mga grant para sa mga plug-in hybrid electric na sasakyan, battery electric na sasakyan, at fuel cell electric na sasakyan ay mula $5,500-$9,500. Ang mga grant na $7,500 ay available para sa mga mobility option (hal. pampublikong transportasyon at e-bike).
Ibinibigay ang financing sa pamamagitan ng aming lending partner, ang Beneficial State Bank. Puwede ka ring makakuha ng financing mula sa ibang mapagkukunan, pero ang lahat ng loan ay dapat may interest rate na mas mababa sa 16 na porsyente para maging kwalipikado sa programang ito.
Isa itong isahang beses na grant at hindi na kailangang bayaran ulit kung sumusunod ang grantee sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng programa.
Hindi. Ang mga insentiba namin ay puwede lang gamitin sa aming network ng mga aprubadong dealer. Mayroon kaming mga kasunduan sa mga aprubadong dealer para matiyak na patas na itinatrato ang mga customer.
Dalhin sa anumang aprubadong dealer ang iyong Award letter at iyong pre-approval letter sa loan. Para makapagbigay ng mas magandang karanasan para sa mga customer, dapat kang makipag-ugnayan sa awtorisadong contact person sa bawat dealership para bumili ng sasakyan. Tingnan ang aming listahan ng mga kalahok na dealership, at ang aming checklist sa clean vehicle para sa higit pang impormasyon.
Kung bibili ka ng bago o used plug-in hybrid electric o battery electric na sasakyan, hanggang sa $2,000 ng pagpopondo ang available para sa isang at-home Level 2 charger. Bisitahin ang page na Pag-charge sa Iyong EV para matuto pa. Dapat ay pagmamay-ari ng kwalipikadong aplikante ang ari-arian kung saan ii-install ang charger o dapat siyang magbigay ng patunay mula sa may-ari ng ari-arian na nagpapahintulot sa aplikante na i-install at paganahin ang charger. Binabayaran ang pagpopondo na ito sa isang reimbursement na batayan. Kailangan ng mga aplikante na magbayad kaagad para sa mga gastos sa kagamitan o intalasyon – kapag nagawa ito, ire-reimburse ang pagpopondo ng award sa aplikante. Matuto pa sa pamamagitan ng pag-download sa Manual para sa Rebate sa EV Charger.
Magbibigay ang Distrito ng Hangin ng Form 1099-G (Ilang Partikular na Pagbabayad sa Pamahalaan) sa lahat ng Kalahok na makakatanggap ng pondong $600 o higit pa. Kailangang iulat bilang nabubuwisang kita ang pondo mula sa programang ito. Ipapadala ang Form 1099-G sa huling bahagi ng Enero o Pebrero ng susunod na taon ng kalendaryo. Puwedeng makatanggap ang isang Kalahok ng hanggang dalawang Form 1099 kung nasa magkaibang taon ang pagbili ng sasakyan at tseke para sa reimbursement ng EV charger.
Gusto naming piliin mo ang sasakyang pinakanaaangkop sa iyong sitwasyon at pangangailangan. Ang My Green Car ay isang app na makakatulong sa iyo na makahanap ng sasakyan na pinakanaaangkop para sa iyo. Makikita ang higit pang impormasyon tungkol sa mga uri ng sasakyang available sa pamamagitan ng Clean Cars for All sa aming Handout ng Impormasyon sa Electric na Sasakyan (Electric Vehicle Information Handout).
Ang grant sa Clean Cars for All ay hinid puwedeng isama sa mga pondo mula sa Clean Vehicle Assistance Program, Rebate Now, Tune in Tune Up, at Replace your Ride. Posibleng magawa ng ibang programa na mag-stack sa Clean Cars for All Program, gaya ng Clean Vehicle Rebate Program, Drive Forward Electric, o Federal Income Tax Credit. Puwede mong tingnan ang isang kumpletong listahan ng mga insentiba sa clean vehicle na available sa California sa pamamagitan ng pag-click dito.
Hindi. Isang beses lang puwede lang mag-apply ang mga aplikante para sa programang Clean Cars for All. Bukod pa rito, isang aplikasyon lang ang puwedeng isumite kada sambahayan. Posibleng kasama sa isang sambahayan ang asawa at/o mga dependent. Ang mga aplikanteng nakatanggap ng mga insentiba mula sa Programa ng Tulong sa Malinis na Sasakyan, Rebate Now, Tune in Tune Up, at Replace your Ride ay hindi kwalipikado para sa programang Clean Cars for All.
Bukas ang programang Clean Cars for All hanggang sa maubos ang mga pondo. Pinoproseso ang mga aplikasyon sa first come first served na batayan. Hinihikayat ang mga aplikante na mag-apply sa lalong madaling panahon.
Hindi. Dapat dalhin ang iyong sasakyan sa isang awtorisadong dismantler ng Clean Cars for All. Infinity Salvage at Pick-N-Pull lang ang mga awtorisadong dismantler na kalahok sa Programa.
Ang mga awtorisadong dealership na kalahok sa Programa ay nagbibigay ng minimum na 3 araw na panahon sa pagbabalik para sa mga gamit nang sasakyan. Tutukuyin ng dealership ang eksaktong petsa ng pagsasauli sa oras ng pagbebenta. Ang mga dealership ay posibleng may mga paghihigpit na posibleng magsawalang-bisa ng 3 araw na panahon ng pagsasauli, gaya ng limitasyon sa itinakbong milya o kundisyon ng sasakyan.
Mangyaring makipag-ugnayan kaagad sa cleancarsforall@baaqmd.gov AT makipag-ugnayan kaagad sa PEX sa 866-685-0898 para iulat ang pagkawala, pagkanakaw, o pagkasira ng mga sasakyan, pati na rin ang mga mapanlokong bayarin.
Puwedeng tingnan ng mga aplikante ang status ng kanilang aplikasyon sa Grantee Portal ng Distrito ng Hangin.
Mag-email sa amin sa cleancars@gridalternatives.org o tumawag sa 855-256-3656.
Ang mga pondo ng grant ay direktang binabayaran sa dealership, sa ngalan ng grantee. Kakailanganin mong dalhin ang iyong award letter sa isang awtorisadong dealership ng Clean Cars for All, at ibeberipika ng dealer ang iyong award at ibabawas ang halaga ng award sa presyo ng pagbebenta. Kung pipili ka ng Mobility Option, direktang mag-iisyu ang staff ng Distrito ng Hangin ng public transit card ng PEX sa iyo.
Hindi kailangang bayaran ang mga grant. Para makakuha ng grant, dapat kang makatanggap ng award letter bago bumili ng sasakyan at dapat kang sumunod sa lahat ng ipinag-aatas ng programa sa buong termino ng programa. Ibibigay ang grant sa dealer para bumababa ang pangkalahatang halaga ng bago o gamit nang clean vehicle.
Hindi. Kailangan mo munang mag-apply at makatanggap ng award letter bago ka bumili ng sasakyan, para maging kwalipikado para sa insentibo.
Kailangan mong bilhin ang iyong pamalit na sasakyan bago ipa-scrap ang kotse mo. Pagkatapos mong bilhin ang iyong EV, pupunta ka sa isang awtorisadong dismantler para sa panghuling inspeksyon. Kakailanganin mong magdala ng sinagutang check list sa paunang inspeksyon, blangkong listahan ng panghulong inspeksyon, lisensya sa pagmamaneho, at sertipiko ng titulo para sa iyong panghuling inspeksyon. Pagkatapos ng panghuling inspeksyon, iiwanan mo ang iyong kotse sa dismantler para sa pag-scrap. Dapat mong ipa-scrap ang sasakyan sa pamamagitan ng programang Clean Cars for All. Ipinagbabawal ang pagbebenta ng sasakyan sa dismantler o paghinto sa paggamit ng sasakyan sa pamamagitan ng ibang programa, gaya ng Vehicle Buy Back o Consumer Assistance Program.

Contact Us

GRID Alternatives

855.256.3656 CleanCars@gridalternatives.org

Contact Us

Spare the Air Status