The Air District is issuing an air quality advisory due to wildfire smoke from the Cooley Fire through Monday.
|
Advisory
|
Smoke impacts in the Bay Area due to the Cooley Fire . Check air quality at fire.airnow.gov and protect your health if smoke is impacting your area by remaining indoors with windows and doors closed, if temperatures allow. Follow instructions from local health officials.
|
|
|
Kumuha ng kaalaman tungkol sa San Francisco County - ang klima, potensiyal ng mga inaalala sa pagpaparumi sa hangin, at kasalukuyang kalidad ng hangin nito. Maaari mo ring tingnan ang mga gaganapin ng Distrito ng Hangin sa San Francisco County at basahin ang tungkol sa mga lokal na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin.
The Air District is issuing an air quality advisory due to wildfire smoke from the Cooley Fire through Monday.
The Air District is issuing an air quality advisory due to wildfire smoke from the Cooley Fire through Saturday.
The Air District has awarded $65 million to Richmond, Contra Costa County, Benicia and surrounding communities, including North Richmond Pinole, El Sobrante, East Richmond Heights, San Pablo, the Iron Triangle, Point Richmond and unincorporated West Contra Costa County.
Setyembre 20, 2026
Setyembre 14, 2026
Setyembre 8, 2026
Setyembre 3, 2026
Agosto 31, 2026
Agosto 26, 2026
Agosto 25, 2026
Agosto 11, 2026
Agosto 6, 2026
Agosto 5, 2026
Agosto 4, 2026
Agosto 1, 2026
Ang San Francisco Countyay nasa hilagang dulo ng San Francisco Peninsula, nahahanggahan ng San Mateo County sa timog, ng Karagatan ng Pasipiko sa kanluran, San Francisco Bay sa silangan, at ng Golden Gate Bridge sa hilaga. Tatlong kinatawan ng San Francisco County ay nakaupo sa Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.
Dahil karamihan ng landscape ng San Francisco ay mas mababa sa 200 talampakan, ang marine layer ay dumadaloy sa karamihan ng lungsod, lumilikha ng isang malamig at mahanging klima. Ang hilagang-silangang bahagi ng county, gayunman, ay malamang na maging mas mainit at maaraw, na may mas kaunting araw na maraming fog. Sa taglamig, ang pangkaraniwang mga temperatura araw-araw ay banayad sa magdamag at kainaman sa araw, habang ang mga temperatura sa panahon ng tag-init ay malamang na manatiling kainaman sa buong panahon. Ang pinakamataas na tulin ng hangin ay nakapokus sa kahabaan ng kanlurang baybay-dagat at pangkaraniwang banayad sa buong county. Ang patak ng ulan ay pangkaraniwang mga 20 pulgada kada taon, na may pinakamataas na dami na iniulat sa kanlurang baybay-dagat.
Ang klima ng San Francisco County ay apektado rin ng panrehiyong mga impluwensiya ng klima sa Bay Area
Interaktibong Mapa ng mga Istasyon ng Pagsubaybay sa Hangin
Ang pagpaparumi ng ozone at pinong partikulo, o PM2.5, ay ang mga pangunahing panrehiyong pamparumi sa hangin na inaalala sa San Francisco Bay Area. Ang ozone ay unang-unang problema sa tag-init, at ang pagpaparumi ng pinong partikulo ay sa taglamig.
Sa San Francisco, ang ozone ay halos hindi humihigit sa mga pamantayan sa kalusugan at ang PM2.5 ay humihigit lamang sa pambansang pamantayan minsan o dalawang beses sa bawat taon, sa pangkalahatan. Dahil napapaligiran ng tubig sa tatlong panig ang mga temperatura ay nananatiling nasa loob ng makipot na naaabot, kung saan ang mabababang temperatura sa taglamig ay bihirang umabot ng nakakapagyelo at ang matataas na temperatura sa tag-init ay nananatiling mas mababa ang mga antas kung saan ang ozone ay mabubuo at magiging hindi malusog.
Interaktibong Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin
Ang Pangkat ng Tagatulong sa Iligtas ang Hangin ng San Francisco County ay nagtataguyod ng mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa lokal na komunidad.
Huling Isinapanahon: 11/8/2016