|
|
|
Alamin ang tungkol sa proseso ng pampublikong meeting ng Distrito ng Hangin, kung paano magbigay ng mga pampublikong komento, kung paano sumali sa isang meeting online o sa pamamagitan ng telepono, at kung paano humingi ng tulong sa wika o kapansanan.
KALENDARYO NG LAHAT NG MEETING AT EVENT
Kumpletong Kalendaryo ng Mga Meeting (kasama ang mga meeting na hindi nila-livestream)
MGA BROWN ACT MEETING
Lupon at Komite | Konseho sa Pagpapayo | Konseho sa Pagpapayo ng Komunidad | Lupon para sa Pagdinig
Ang mga agenda ay pino-post online 72 oras bago ang bawat meeting sa link na “Mga Brown Act Meeting” at sa lobby ng opisina ng Distrito. Makikita rin ang mga isinaling agenda sa mga link na iyon at sa lobby. Kung nais ng isang miyembro ng publiko na magbigay at mag-post ng karagdagang salin ng mga agenda sa ibang wika, makipag-ugnayan sa Coordinator laban sa Diskriminasyon para sa mga tagubilin.
Maaaring mag-sign up upang makatanggap ng agenda ng Lupon sa pamamagitan ng email.
Ang mga meeting ng Lupon ng Mga Direktor ay ginaganap sa 1st floor Board Room sa opisina ng Distrito ng Hangin sa 375 Beale Street, San Francisco 94010. Ang iba pang komite at konseho ay nagmi-meeting din doon, maliban sa Konseho sa Pagpapayo ng Komunidad na nagmi-meeting sa iba’t ibang lokasyon.
Ang mga pampublikong meeting ay isinasagawa nang personal ngunit maaari ring mapanood at masalihan sa pamamagitan ng Zoom o telepono.
Nagsisimula ang mga meeting sa call-to-order, roll call, at pledge of allegiance, at sinusundan ng iba’t ibang bahagi ng agenda. Maaaring magbigay ng komento ang publiko sa bawat item habang tinatalakay ito.
In-Person na Komento
Maaaring magbigay ng komento ang publiko sa bawat item sa agenda. May dalawang minuto ang bawat tagapagsalita maliban kung iba ang itatakda ng Tagapangulo.
Nakasulat na Komento
Maaaring mag-email sa comments@baaqmd.gov o magsumite sa website. Ang mga naipasa bago ang deadline ay ibibigay bago ang meeting; ang late ay pagkatapos nito.
Remote na Pasalitang Komento
Maaaring lumahok ang publiko sa pamamagitan ng Zoom o telepono at magsalita sa pamamagitan ng Join option.
Mahalagang paalala: I-update ang Zoom bago sumali.
Paalala: Hindi ipapakita sa video ang publiko.
Inaanyayahan ang mga komento ngunit hindi pinapayagan ang mapang-abuso o diskriminatoryong pananalita.
Mga Serbisyo sa Interpretation
Makipag-ugnayan kay Kimberly Leefatt sa 415-749-4610 o non-discriminationcoordinator@baaqmd.gov nang hindi bababa sa 3 araw ng negosyo bago ang meeting.
Isama sa kahilingan:
On-site na Interpretation
Access para sa May Kapansanan
Magbibigay ng mga kinakailangang tulong. Makipag-ugnayan nang 3 araw bago ang meeting.
|
Coordinator Laban sa Diskriminasyon
Kimberly Leefatt
Opisyal ng Opisina sa Mga Karapatang Sibil Bay Area Air District
375 Beale St., Ste. 600 San Francisco, CA 94105
415.749.4610
|
Last Updated: 6/24/2026