Pagpopondo sa Gawad

Community Roots Scholarship

New

Maglulunsad ang Distrito ng Hangin ng Bagong Scholarship para sa Mga Mag-aaral ng Kolehiyo sa Komunidad

New 6/16/2026

Ipinagmamalaki ng Distrito ng Hangin ng Bay Area na ianunsyo ang paglulunsad sa Community Roots Scholarship — na isang bagong programa na mag-i-invest sa mga mag-aaral sa kolehiyo na may malalim na ugnayan sa kanilang komunidad at naghahangad na isulong ang katarungan sa kapaligiran, pagkakapantay-pantay, at pamumuno sa komunidad.

Tungkol sa Scholarship

  • $5,000 bawat award — walang limitasyon
  • 10 scholarship ang available para sa 2026 cycle
  • Bukas sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa lahat ng major na kasalukuyang naka-enroll
  • Bibigyan ng priyoridad ang mga mag-aaral na may koneksyon sa Bay Area o Northern California, o sa mga komunidad na apektado ng mga hindi pagkakapantay-pantay sa kapaligiran, lipunan, o ekonomiya
  • Deadline ng Aplikasyon: Agosto 24, 2026

Ang scholarship na ito ay idinisenyo para matulungan ang mga mag-aaral sa kasalukuyan nilang katayuan — walang minimum na grade point average (Grade Point Average, GPA), walang kinakailangang major, at isang malawak na pagpapakahulugan sa pamumuno kung saan kasama ang pangangalaga, pag-oorganisa, pagtataguyod ng adbokasiya, at serbisyo sa komunidad.

Mag-apply o ibahagi ang nasabing oportunidad: Mag-click dito .

Mga Libreng Workshop para sa Aplikasyon

Tuwing Huwebes, Hulyo 9 – Agosto 13 nang 6:00 PM PT. Libre at bukas sa lahat ng mag-aaral.

Sumali: Mag-click dito .

Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan kay J. Howard sa airdistrictscholarship@baaqmd.gov .

Mga Madalas Itanong

  1. Sino ang kwalipikadong mag-apply?

    Dapat ay kasalukuyang naka-enroll ang mga aplikante sa kolehiyo o unibersidad. Dapat ay maipakita nila na mayroon silang koneksyon sa Bay Area/Northern California o sa mga komunidad na apektado ng mga hindi pagkakapantay-pantay sa kapaligiran, lipunan, o ekonomiya.

  2. Kailangan bang taga-Bay Area ang mga mag-aaral?

    Hindi, pero bibigyan ng priyoridad ang mga mag-aaral na may koneksyon o nanirahan sa Bay Area/Northern California o iba pang lubos na apektadong komunidad.

  3. Mayroon bang kinakailangang GPA?

    Dapat ay may magandang academic standing ang mga aplikante sa kanilang kolehiyo o unibersidad.

  4. Anong mga major ang kwalipikado?

    Kwalipikado ang lahat ng major. Sa partikular, hinihikayat na mag-apply ang mga mag-aaral na interesado sa katarungan sa kapaligiran, pampublikong kalusugan, patakaran, o gawaing pangkomunidad.

  5. Paano puwedeng gamitin ang pondo?

    Walang paghihigpit sa mga award at puwedeng gamitin ang mga ito sa mga gastos sa edukasyon at personal na buhay, kasama ang matrikula, mga aklat, tirahan, transportasyon, at gastos sa araw-araw.

  6. Paano masasabing malakas ang isang aplikasyon?

    Ang malalakas na aplikante ay may mga totoong kuwento tungkol sa kanilang komunidad, nagpapakita ng aktwal na epekto sa mundo (pormal o hindi pormal), nagbabahagi ng mga personal na karanasan at pagsubok, at nagpapakita ng malinaw na pagnanais na gumawa ng pagbabago.

  7. Kailangan ba ng mga mag-aaral ng pormal na karanasan sa pamumuno?

    Hindi. Puwedeng kasama sa pamumuno ang pagsuporta sa pamilya o komunidad, pag-oorganisa sa lugar, paggabay ng mga peer, pagtataguyod ng adbokasiya, o hindi pormal na gawain.

  8. Ilang oras ang kailangang ilaan pagkatapos matanggap ang scholarship?

    Ang mga makakatanggap ay sasali sa profile na “Kilalanin ang Mga Iskolar,” magbabahagi ng kanilang karanasan sa ilang post sa social media, at tuluy-tuloy na makikipag-ugnayan sa programa.

  9. Minsanan ba ang award na ito?

    Oo, isa itong minsanang $5,000 na scholarship para sa kasalukuyang cycle.

  10. Mayroon bang mga karagdagang oportunidad na iba pa sa scholarship?

    Oo. Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na iugnay ang mga mag-aaral sa mga internship, fellowship, at pathway sa trabaho sa katarungan sa kapaligiran.

  11. Kanino kami puwedeng makipag-ugnayan para sa mga tanong?

    J. Howard airdistrictscholarship@baaqmd.gov

Contact Us

Grants Programs Information Request Line

415 749-4994 grants@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 6/17/2026