|
|
Alamin ang tungkol sa Programa ng Pangangalaga ng Kalusugan ng Komunidad mula sa Distrito ng Hangin upang ipatupad ang Panukalang-batas ng Asembleya 617.
Nasasabik ang Distrito ng Hangin na palawakin ang aming matibay na mga pagsusumikap upang bawasan ang pagkakalantad ng komunidad sa mga nagpaparumi sa hangin. Nakikipagtulungan ang Programa ng Pangangalaga ng Kalusugan ng Komunidad sa mga komunidad ng Bay Area upang planuhin at ipatupad ang Panukalang-batas ng Asembleya 617 (C. Garcia, Kabanata 136, Mga Batas ng 2017). Ang nagtutulungang inisiyatibang ito ay gagamit ng napatunayan at makabagong mga estratehiya upang pagandahin ang kalusugan ng komunidad sa pamamagitan ng pagbawas sa pagkakalantad sa mga nagpaparumi sa hangin sa mga lugar na pinakaapektado ng nagpaparumi sa hangin.
Mahigpit na nakikipagtulungan ang Distrito ng Hangin sa Lupon sa mga Tagatulong sa Hangin ng California, iba pang mga lokal na distrito ng hangin, mga grupong pangkomunidad, mga miyembro ng komunidad, mga pangkapaligirang organisasyon, mga kontroladong industriya at iba pang mga pangunahing apektado upang bawasan ang mapanganib na mga nagpaparumi sa hangin. Sa pamamagitan ng Programa ng Pangangalaga ng Kalusugan ng Komunidad, nagtutulungan kami upang matiyak na magbebenepisyo ang lahat mula sa aming mga pagsusumikap para sa kalidad ng hangin, lalo na ang mga nakatira sa mga bahagi ng San Francisco Bay Area na pinakaapektado ng pagpaparumi sa hangin. Tinatanggap at hinihikayat namin ang iyong paglahok sa pagsusumikap na ito.
Nagbibigay na ngayon ang Distrito ng Hangin ng mga gawad para sa pagiging handa ng komunidad o pagbawas ng emisyon bilang bahagi ng Programa ng Gawad sa Pangangalaga ng Kalusugan ng Komunidad.
Sign up to receive updates regarding the Air District’s Community Health Protection Program efforts to implement Assembly Bill 617.
AB617 Email List Sign Up
SUBSCRIBE
Last Updated: 10/10/2024