Survey
|
The Air District is seeking feedback. Share your thoughts with us by taking our survey: Air District Website Usage Survey.
Unhealthy air quality due to wildfire smoke. It is illegal to use fireplaces, wood stoves, pellet stoves, outdoor fire pits or other wood-burning devices. |
Hindi mabuti sa katawan na kalidad ng hangin dahil sa usok ng wildfire. Ilegal na gumamit ng mga fireplace, wood stove, pellet stove, outdoor na fire pit, o iba oang device sa pagsunog ng kahoy. |
Calidad del aire dañina para la salud debido al humo de incendios forestales. Es ilegal el uso de chimeneas, estufas de leña, estufas de pélets, fogatas en exteriores u otros dispositivos para quemar leña. |
Phẩm chất không khí không tốt do khói từ đám cháy rừng. Việc sử dụng lò sưởi, bếp củi, bếp nấu sử dụng viên nén nhiên liệu, lò sưởi ngoài trời hoặc các thiết bị đốt củi khác là bất hợp pháp. |
|
|
Alamin ang Programang Iligtas ang Hangin, paano nakakaapekto ang mga panahon sa kalidad ng hangin, at paano malalaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin ay pinaiiral.
Nilikha ng Distrito ng Hangin ang Programang Iligtas ang Hangin upang turuan ang mga residente tungkol sa pagpaparumi sa hangin, himukin ang mga aksiyon upang pabutihin ang kalidad ng hangin sa Bay Area, at upang magkaloob ng nauunang paunawa kapag ang kalidad ng hangin ay inaasahang magiging hindi malusog.
Bilang bahagi ng Programang Iligtas ang Hangin, hinihingi ng Distrito ng Hangin sa mga residente na bawasan ang pagpaparumi sa pamamagitan ng mga pagpili para sa malinis na hangin bawat araw. Maaaring kabilang dito ang paglalakad at pagbibisikleta nang mas madalas, pagsakay sa pampublikong transportasyon, telecommuting o pag-carpool, pagbawas sa pagmamaneho, pagbawas sa paggamit ng enerhiya sa bahay, at paggawa ng maraming ibang pang-araw-araw na mga pagpili na nagpapabuti ng kalidad ng hangin.
Sa mga buwan ng tag-init, ang pagpaparumi ng ozone (kilala rin bilang ulap-usok) ay maaaring maging problemang pangkalusugan sa Bay Area. Ang Distrito ng Hangin ay nag-iisyu ng mga Alerto na Iligtas ang Hangin sa mga araw na ang kalidad ng hangin ay hinuhulaan na magiging hindi malusog at hinihimok ang mga residente na bawasan ang pagmamaneho at bawasan ang paggamit ng bumubuo ng ozone na mga pamparumi. Ang mga residente na sensitibo sa hindi malusog na hangin ay pinapayuhan na limitahan ang kanilang oras sa labas, lalo na sa hapon, kung kailan ang mga antas ay tumataas.
Sa mga buwan ng taglamig, ang pagpaparumi ng particulate na bagay (kung minsan ay tinatawag na duming likha ng usok) ay maaaring umabot sa hindi malusog na mga antas sa Bay Area. Sa mga araw na ang mga antas ng particulate na bagay ay inaasahang magiging mataas, ang Distrito ng Hangin ay nag-iisyu ng isang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig, ginagawang labag sa batas ang pagsunog ng kahoy sa buong Bay Area. Sa mga araw na ito, ang mga residente ay pinapayuhan na limitahan ang kanilang oras sa labas, lalo na ang mga sensitibo sa hindi malusog na hangin. Ang mga residente ay maaaring magharap ng reklamo tungkol sa usok ng kahoy online o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-877-4NO-BURN (466-2876).
Upang malaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig ay pinaiiral:
Last Updated: 8/3/2023